Sunday, October 18, 2009

Dota sa Buhay sa Isang Mag-aaral

Jerome Patalud 1FMID
Mark Sabio
Aj Malaluan

Dota sa Buhay ng Isang Mag-aaral

Sa aming repleksyon na papel na pinamagatang "Dota sa Buhay ng isang Mag-aaral", tatalakayin namin ang mga positibo at negatibong mga epekto ng Dota sa buhay ng isang mag-aaral. Bibigyan muna namin kayo ng isang maikling summary kung paano nagsimula ang Dota. Nagsimula ang Dota noong 2005, ito ay ginawa ng isang nagngangalang IceFrog. Si IceFrog ang developer ng larong ito at hanggang ngayon ay siya pa din ang nagdedevelop nito. Hanggang ngayon sobrang sikat pa din ng Dota sa mga kabataan at pati na din sa mga matatanda. Karamihan sa mga naglalaro ay mga lalaki pero wag natin kalimutan ang mga babae dahil sila din ay nakikijoin na din sa paglalaro ng Dota.


Mga positibong epekto ng Dota sa isang mag-aaral:

  1. Imbis na malulong tayo sa droga, ito na lang ang kinababaliwan natin.
  2. Tayo ay nakakapagbonding kasama ang ating mga kaibigan sa pamamagitan ng paglalaro ng sabay sabay ng Dota.
  3. Mas nagiging pamilyar sa atin ang teknolohiya ng mga kompyuter.
  4. Nakikita natin ang kasamaan ng pag-aaway sa mundo kaya pagkatapos ng Dota, hindi na tayo gagawa ng gulo sa labas, sa tunay na mundo.
  5. Nagkakaroon tayo ng magandang koordinasyon sa pagitan ng ating mga kamay at mata.

Mga Negatibong Epekto ng Dota sa isang mag-aaral:

  1. Nakakalimutan na ang mga tao sa buhay nila kagaya na lang ng pamilya, girlfriend, kaibigan at ang Diyos.
  2. Nanlalabo ang mga mata dahil sa matagal na pagtitig sa kompyuter.
  3. Nabubuo ang mga pustahan sa mga tourneyo.
  4. Nauubos ang pera dahil sa Dota.
  5. Hindi na nakakapag-aral dahil nauubos ang oras sa pagdodota.

Minumunkahi namin ang mga maglalaro ng Dota sa:
  1. Sa mga estudyante na kayang ipagsabay ang pag-aaral at ang paglalaro ng Dota.
  2. Nakakaalis ito ng "stress" para sa mga mag-aaral na walang oras para sa kaunting kasiyahan.
  3. Sa mga sawi sa pag-ibig.
  4. Sa mga maperang tao.
  5. Sa mga taong gustong gawin na negosyo ang Dota, sa pagtatayo ng Kompyuter shop.

Konklusyon:
Oo ang paglalaro ng Dota ay nakakatuwa, ngunit wag lang masosobrahan dahil makakasam rin ito. Kung maglalaro ng Dota siguraduhin lang na tama ang oras na binibigay dito, at huwag kalimutan ang ibang responsibilidad.